Skip to main content

Featured

Christmas Gift Ideas: Perfect Upgrade This Festive Season

Christmas is the most awaited and celebrated holiday in the Philippines. In fact, as early as September, colorful lanterns and decorations lighting up the streets, homes, and establishments. One of the most beloved traditions during this time is gift-giving. Gifts are shared not only with family but also with friends, loved ones, workmates, and even as part of company raffle and giveaways. Whether big or small, these gifts bring joy and embody the true spirit of Christmas.  This Christmas, elevate the gift-giving and make it extra special with gifts that make lives easier and more enjoyable. Here are some perfect Christmas gift ideas that will make any home or businesses feel more festive, functional, and future-ready.  Sharp Flatbed Microwave Oven Unlike the traditional microwave oven that has a turntable in the base, the Sharp’s new Flatbed Microwave Oven has a flat surface which can surely fit larger dishes and trays. It has a spacious 25L capacity and an innovative rotatin...

Pinabilis at Pinalapit na Cash Agad ng BDO


Laking probinsya ako, alam ko ang hirap sa isang lugar na medyo pinalad ng kabihasnan. Kung gusto mo kumuha ng pera sa bangko, kailangan mo bumiyahe ng mahigit kumulang isang oras para lang kumuha ng pera sa bangko, makapamili ng kailangan sa araw-araw o kaya pumunta sa pagamutan. Ito ang isa sa mga ala-ala na aking dinala na nagbigay sa akin ng aral. Sa panahon ngayon na mas pinadali na lahat, hindi na impossible na pinadali na sa atin lahat lalo na sa ating mga kababayan nakatira sa medyo malalayo na lugar.


Kayo ba ay may dumating na sweldo, remittance, o ayuda sa iyong ATM Card? Mas madali, mabilis at malapit na lang mag-withdraw sa Cash Agad, lalo na sa mga probinsiya o munisipalidad na walang bangko o malapit na Automated Teller Machines (ATMs).



Ang Cash Agad ay tugon ng BDO para sa pagsulong ng financial inclusion sa bansa. Ito ay isang banking solution kung saan ay maaaring mag-withdraw ng cash o mag-balance inquiry via point-of-sale (POS) machines ang kahit sinumang may locally-issued debit o prepaid card. Ang mga POS machines na ito ay matatagpuan sa mga Cash Agad partner agents na micro, small, and medium enterprises (MSMEs) tulad ng sari-sari stores, bakeries, groceries, hardware stores at iba pang establishments na matatagpuan sa komunidad.


Sa pamamagitan ng Cash Agad, hindi na kailangang bumiyahe pa nang malayo o gumastos nang malaki para sa pamasahe ang mga cardholder para lang makapag-withdraw ng kailangan nilang pera. 


Sa ngayon, mayroon nang over 9,500 partner agents and Cash Agad sa mahigit 1,400 municipalities nationwide. Bukod sa pagbibigay ng serbisyo sa mga cardholders sa komunidad, natutulungan din ng Cash Agad ang mga MSMEs na magkaroon ng extra income.


Para sa mga business owners na gusto maging Cash Agad partner agent, kailangan lamang ay may BDO or BDO Network Bank account at business permit. Maaaring i-submit ang application sa https://www.bdo.com.ph/cash-agad-application.


Napakadali lang mag-transact sa Cash Agad:

  • Pumunta lang sa malapit na Cash Agad partner agent. Hanapin lang ang Cash Agad logo.

  • Sabihin sa cashier ang amount na gusto mong i-withdraw at ipasok ang locally-issued ATM debit or prepaid card sa POS terminal na iaabot ng cashier.

  • I-input ang iyong PIN sa POS terminal.

  • Kunin ang iyong card, cash, at transaction receipt.

May babayaran lamang na convenience fee na P15 to P50 bawat transaction.


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Cash Agad, go to https://www.bdo.com.ph/cash-agad.




Comments

  1. Talagang patok po ito sa mga probinsya na kailangan pa bumiyahe para lang makapag withdraw ng pera.

    ReplyDelete
  2. Wow ganda nito para kaht sa probinsya pwde mgcash in very convenient pa thanks for sharing

    ReplyDelete
  3. Laking tulong nito para di na kailangan mag byahe ng malayo. Pwede na kahit sa sari-sari store. ❣️

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular Posts